Featured

MABUHAY! MALIGAYANG PAGDATING SA AKING BLOG!!

For Sir. Rhod Nuncio, my professor in GEFILI1

“Change your thoughts and you change your world.” Norman Vincent Peale

— Oscar Wilde.

Ito ang unang post sa aking bagong blog para sa aking GEFILI1. I can either write in English or in Filipino, but I prefer writing in English. Ngunit, kinakailangan ng aking propesor ng Filipino ang ilalagay sa Blog na ito.

GEFILI1 Blog Post

“WIKANG FILIPINO SA KOLEHIYO”

Bilang isang estudyante na lumaki sa panahon na puro Ingles ang napapanood sa telebisyon, puro Ingles ang nababasa at Ingles ang nagagamit na pangunahing lengguwahe sa bahay. Nasanay ako sa pagsasalita at pagiisip sa wikang Ingles at dahil doon di ko nabigyang pansin at halaga ang wikang Filipino. Nahihirapan akong intindihin ang mga malalalim na salita na kasama sa ating wikang Filipino.

Bakit nga ba kailangan nating mga estudyante pagaralan ang wikang Filipino sa kolehiyo?

  • Nakakaramdam ang mga estudyante ng malalim na nasyonalidad
  • Binibigyan tayo ng Filipino Identity
  • Mas lalong mapabuti ang pag-unawa ng mga estudyante sa wikang Filipino

Ang pagunahing punto na gusto komg ipaliwanag ay tungkol sa pagiging nasyonalidad ng isang tao. Isa sa mga bagay na nakakatulong sa pagiging nasyonalidad ng isang tao ay ang pagaaral, pag-unawa at paggamit ng kanyang pangunahing wika, sa kontexto nito dito sa Pilipinas bilang Wikang Filipino. Ang tinuturo sa paaralan ang hindi lamang ang gramatika, bokabularyo, pagaayos ng mga pangungusap at pagbabasa ng iba’t ibang panitikan. Lumalago sa mga paaralan ang nasyonalidad ng isang estudyante dahil nakakakuha sila ng mga kahalagahan nila bilang Pilipino. Ang halimbawa nito ay ang kahalagahan ng pamilya, tayo lang ang bansa na kasama parin natin ang ating lolo at lola sa bahay. Isa pang halimbawa ay ang pagiging matulungin sa isa’t isa at iba pa.

Ang pangalawang punto na gusto kong ipaliwanay ay ang pagaaral ng wikang Filipino ay nakakapagbigay at bumubo ng anyo sa mga estudyante ng “Filipino Identity”. Sa pagbabasa ng mga iba’t ibang panitikan tungkol sa kultura ng mga Filipino at dahil nabigayan na sila ng pakiramdam ng nasyonalidad masasabi nila na “Ako’y Pinoy!” or “Proud to be Pinoy” at iba pang pahayag tulad nun. Sa panahon ngayon na marami-raming kabataan ang hindi pinagmamalaki ang kanila lahi, karamihan nga sa kanila gusto umalis ng Pilipinas para magtrabaho at tumira nlng sa ibang bansa tulad ng Amerika, Hapon o korea. Sa panahong ito napaka-importante na bigay ng paaralan ng “sense of belonging” ang mga kabataan at estudyante sa kanilang bansa.

Ang pangatlong at huling punto na gusto kong ipaliwanag. Pagaaral ng wikang Filipino sa kolehiyo para mas lalong mapabuti ang pag-unawa sa Wikang Filipino. Ang meme na linagay sa itaas ay isang sa mga halimbawa ng usapan namin dati ng aking tatay at may pakiramdam ako na maraming estudyante ay may ganitong “interaction” sa kanilang magulang o walang pake sila sa pagaaral ng wikang Filipino. Hindi ba na tinatawag tayong Pilipino, Hindi nga ba “ironic” ang mga Pilipino na nalumaki at nagaral dito sa Pilipinas pero hindi nakakaintindi at nakakapagsalita ng kanilang pambansang wika. Hindi ba malungkot pakinggan yun?

Kaya nga dapat bigyang halaga na isama, unawain at pagaralan ang ating pambansang wika sa mga Kolehiyo dahil doon sa pagaaral ng wika at sa pagbabasa ng mga panitikan tungkol sa Pilipinas, doon natin makukuha yung kultura ng isang Pilipino, “values” ng isang Pilipino at ang pinaka-mahalaga doon natin makukuha ang kakayahan ng isang tunay na Pilipino.

References:

http://www.interaksyon.com/politics-issues/2019/05/31/149801/filipino-literature-language-subject-patriotism-nationalism/ https://opinion.inquirer.net/117539/what-young-filipinos-stand-to-lose

Design a site like this with WordPress.com
Get started